menu
menu
Entertainment

Will Ashley, mapapanood sa isang celebrity basketball game

19/03/2026 08:49:00
bidasaarena (IG)

Ipapamalas ni Kapuso actor and former Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemate Will Ashley ang kanyang athleticism sa isang upcoming celebrity basketball game.

Inanunsiyo na si Will bilang isa sa mga participant ng exhibition game sa pagitan nina Pambansang Ginoo David Licauco at Gerald Anderson.

Magiging bahagi siya ng team ni David, kasama sina Paul Salas, Josh Ford, EA Guzman, Andre Paras, Anthony Constantino, Prince Carlos, Kimson Tan, at Mateo Monzones.

 

Source: bidasaarena (IG)

Sina Tommy Tiangco, Binsoy Namoca, RK Bagatsing, Johannes Rissler, Malupiton, Argel Saycon, Tristan Ramirez, at Elyson de Dios naman ang bubuo sa team ni Gerald.

Kasado na ang kanilang basketball match, pero wala pang detalye kung kailan ang laro at maging ang ticket selling para dito.

Source: bidasaarena (IG)

Samantala, napapanood si Will Ashley sa mystery drama na The Secrets of Hotel 88.

May inihahanda ring isa pang proyekto para kay Will kasama ang "Pamilya de Guzman" na binubo niya kasama ang kapwa former PBB housemates na sina Mika Salamanca, Klarisse de Guzman, Shuvee Etrata, at Esnyr Ranollo.

by KaiK.ai